Thursday, January 4, 2007

euthanasia

tungkol sa euthanasia, di ako sang-ayon sa aktong ito.

Bago ang lahat, bigyang-kahulugan muna naitn ang Yutanasya. Sa Diksyonaryong Oxford, nangangahulugan ang Yuntanasya bilang ang may-intensyon na pagpatay ng isang tao, binigyang konsento man o hindi, upang palisanin ang kanilang pagdurusa.

Ang katanungan po para sa ating debate ngayon ay ‘Mangyayari ba natin gawing legal o ayon sa batas ang Yutanasya dito sa Pilipinas o hindi ?’Ang paksang Yutanasya ay matagal ng pinagdedebatehan at marami na siyang luhang pinadaloy at inapektuhang buhay na ito’y pinaguho nguni’t bakit nga ba ganito katindi sa damdamin at buhay ang aktong ito ? Ang Yutanasya ay isang paksang puno ng pasyon at emosyon datapwa’t sinasabi ko sa inyo na kung hindi nating hahayaang ang ating mga damdamin na humarang sa ating sentido ng paghusga, makikita’t makikita din natin na may isa lamang na pundamental na katotohanan dito sa debateng ito na walang pinagkaiba ang Yutanasya sa homosido, na pinagpapatay lang atin ang isang inosenteng tao.

Ang Pagdurusa, ang mga nanghihiling ng Yuntanasya ay di-maargumentong may-taglay ng isang napaka-di-matiis na pagdurusa. Datapwa’t sa anong punto o kahigitan kailangang abutin ng kanilang pagdurusa, na maaari natin bigyan ang isang tao ang karapatang patayin sila? Sino ang guguhit ng lenya? Sino ang may karapatang mag-guhit ng lenya? Ang mga doktor, ang batas, ang mga kamaganak? Sino? Ang sagot sa katanungang ito ay hindi pa semento.

Isa pa. Ano nga ba ang sanhi ng isang doktor? Hindi ba upang pagalingin ang anomang sakit ninyo, hindi ang magpatay? Na gawin ang lahat ng makakaya niya at gamitin ang lahat ng posibilidad at rekurso upang masagip ang buhay ninyo? Anong ibig nyong sabihin, ‘e…wala ka na palang pag-as’e, patayin na lang kaya natin kayo.’
Pagka ginawang legal ang Yutanasya dito sa Pilipinas, binibigay natin sa mga doktor ang kapangyarihan at responsibilidad na patayin ang isang tao. Kahit na anong paraan nyong sabihin, kahit maglaro pa kayo ng mga salita, maging ‘kamatayan na may dignidad’ man o ‘mamatay ng tahimik’ man, hindi natin maikakaila na pagpapatay pa rin ang tawag doon. Ang magkumuha ng buhay ng isang tao na may taglay na intensyon ay homosido at ‘yan, mga kaibigan, ang batas.

‘Kamatayan na may dignidad.’ Binabanggit ng iba na ang bawat tao ay may karapatan sa isang mapayapang kamatayan, taglay ang dignidad na nararapat sa kanila. Ang mamataya ng tahimik na hindi nagdudusa. Sya nga pala, sang-ayon din ako sa punto na iyan nguni’t nangangailan ba ang kamatayan upang makamtan ang hangad na ‘yon? Hindi ba ang mas apropiadong paraan ay ang manatili sa piling ng iyong mahal hanggang sa kahuli-huliang hininga? Ang ipamalas o ipahatid sa kanila na mahalaga sila at nandoon kayo sa hirap at ginhawa, ‘hanggang mapaghiwalayan ng kamatayan’. Mas may dignidad iyon kaysa sabihin sa kanila na mas makakabuti sa lahat at pera ko kung mamamatay ka na lang.

Alam po naman natin na ang lahat ng debate o argumento ay may kinalalagyang konteskto. Ang ibig sabihin po kung pagdedebatehan po ito sa ibang bansa o di kaya ng ibang kultura o relihiyon at lalo na kung pagdedebatehan ito sa kakaibang panahon, iba po ang mararatingang konklusyon sapagka’t iimpluwensyan sila nitong mga paktor. Kaya tatanunging ko po, ano ang kinalalagyan nating konteskto? Ano kakailanging pagbasihan at pagispan ng ating bansang Pilipinas na maaaring impluwensyahan ang ating sentido ng paghusga? Isa po dito ay ang ating relihiyon. Ayon po sa estatistiko ng ating bansa, humigit-kumulang syam na pung porsyentos ng ating populasyon ay Kristyano at dito’y humigit-kumulang walumpung limang porsyentos ay Katoliko. Ang katanungan po na kinahaharapan natin ay ano ang tinuturo ng inyong relihiyon? Saan kayo pinapapatnubay ng inyong pananampalataya? Kahit kailan, ang buhay ay isang katangi-tangiang kahalagaan. Isang eternal na handog na kailanma’y itinuturo sa atin na pag-aalagaan hanggang sa natural na pagwakas. Ang Diyos lamang ang karapatan kunin ang buhay ng isang tao at wala kayong karapatan, wala tayong karapatan gawin ang trabaho ng Diyos. Lahat ng bagay at aksyon ay may kadahilanan. Lahat ng kalupitan, kalumbayan at mga panaghoy ay andiyan upang subukan ang ating pananampalataya. Kung mahina ang inyong pananampalataya sa kanya, siguradong mahuhulog kayo sa isang bangin ng kabiguan. Ang Diyos ang Hustisya at iyan ang tinuturo ng ating relihiyon.

Ang Yutanasya ay naghahatid ng masamang paniwala sa ating lipunan. Pinaniniwala kayo na pati na ang Lahing Sangkatauhan ay kagaya na rin nga sa mga sakit na alagang hayop. Palayain na lang natin sila sa kanilang kalumbayan. Ganoon nga ba ang tingin nyo sa iyong mga mahal sa buhay? Mga Hayop? Ang buhay ayon akin at ating pananampalataya bilang isang Kristyanong bansa ay isang handog na hindi natin ari, kundi nasa ating posesyon lamang. Salamat.